Turkmenistan – Alam niyo ba na noong 2015, mahigpit nang ipagbabawal ang pag-iimport ng mga itim na kotse sa Turkmenistan.
Kaya nang malaman ng gobyerno ng Central-Asian country na may ilan pang gumagamit nito sa Ashgabat City, isa-isa nilang hinatak ang lahat ng itim na kotse sa lugar nang walang pasabi sa mga may-ari nito.
At sabi raw sa kanila ng mga otoridad, ibabalik lang ang kanilang sasakyan kung pipinturahan nila ito ng puti o kahit anong light colors.
Sabi ng isang customs official, nagdadala raw ng swerte ang puting kotse.
Habang may ilang nagsasabi na paboritong kulay ni Turkmenistan President Gurbanguly Berdymukhammedov ang puti.
Patunay dito ang pagpapalagay niya ng white marble sa munisipyo ng Ashgabat, rides white stallions, at pagsusuot ng puti kahit maglalakad sa putting carpet na may puti ring flower arrangements.