TODO IWAS | Myrtle Sarrosa – ayaw maikumpara kay Nadine Lustre

Manila, Philippines – Todo-iwas ang cosplayer-actress na si Myrtle Sarrosa na maikumpara siya sa kaibigan niyang si Nadine Lustre.

Matatandaang naging endorser ng alak si Myrtle kung saan nagkaroon siya ng mga sexy image habang ilang beses ding nag-trending ang sexy beach photos ni Nadine sa Instagram.

Pero para kay Myrtle, magkaibang tao sila ni nadine kaya kung ano man ang values ng kaibigan niya bilang tao, iba rin daw ang sa kanya.


umapela rin ang aktres sa publiko na irespeto na lang ang mga desisyon ni Nadine sa buhay.

Samantala, hindi naman daw open sa live-in arrangement si Myrtle dahil para sa kanya, mahalaga pa rin na aprub at may “say” ang mga magulang niya sa mga gagawin niyang desisyon.

Nauna nang napabalitang nagli-live in na si Nadine at boyfriend niyang si James Reid.

Facebook Comments