BAWAL | Live airing ng oral arguments sa quo warranto petition laban kay Sereno, ipagbabawal ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Mahigpit na ipagbabawal ng Korte Suprema ang live airing ng media sa proceedings sa gagawing oral arguments sa quo warranto petition laban kay Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.

Sa abisong inilabas ng Supreme Court En Banc, nakasaad dito na magkakaroon lamang ng access ang media sa live streaming sa labas ng Baguio Session Hall kung saan gagawin ang summer session ng mga mahistrado.

Bunga rin ng masikip na espasyo sa Session Hall, ang media ay pinagbabawalan na kumuha ng mga larawan at video sa loob ng Session Hall bago magsimula ang oral arguments.


Ang mga panayam ay pahihintulutan lamang bago pumasok ng Session Hall ang mga partido.

Maglalagay din ang Supreme Court ng TV monitors sa designated media area kung saan ang press ay makakapanood ng buong proceeding.

Facebook Comments