NAPIKON? | MRT-3 General Manager Garcia, tinangkang suntukin ang Director for operation na si Capati sa harap ng mga kinatawan ng ADB at Australia

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa kaniyang Chief of Staff na si Atty. Artemio Tuazon Jr. ang nangyaring pagsugod at akmang panununtok ni MRT 3 General Manager Rodolfo Garcia kay MRT-3 Director for Operations Mike Capati.

Ayon kay DOTr Communications Director Goddes Hope Libiran, hindi pa maliwanag ang mga detalye ng insidente kaya at hindi pa sila makapagpalabas ng opisyal na pahayag.

Pero, ayon sa ilang source, nangyari ang pisikal na konprontahan ng dalawang opisyal ng Metro Rail Transit Line-3 sa gitna ng pulong ni Capati at ni Transportation Undersecretary for Rails TJ Batan sa mga kinatawan ng Australia Agency for International Development (AausAID) at Asian Development Bank (ADB).


Kinukuwestyon kasi ni Garcia si Capati kung bakit pinakikialaman ang kaniyang opisina na nag ugat umano sa hindi pag renew ni Garcia sa 39 na empleyado ng MRT Transition Team.

Anim sa mga ito ay immediate staff ni Capati habang 33 naman ay engineer na tumulong sa pagsasaayos ng serbisyo ng MRT3.

Isinumbong umano ito ni Capati at kinampihan siya ni Secretary Tugade.

Facebook Comments