BAWAL NA | Deadly toys at gadgets, ipagbabawal sa Makati

Makati City – Mahigpit nang ipatutupad sa lungsod ng Makati ang pagbabawal ng pagbebenta o paghawak ng mga deadly toys and gadgets.

Kabilang dito ang plastic knives, knuckles, balisong o beinte-nuebe.

Ayon kay Mayor Abby Binay, dumarami kasi ang mga nahuhuling mga menor de edad na gumagamit nito.


Aprubado ng city council ang bagong ordinansa kung saan inaamyenda nito lumang batas noong 1997 kung saan ipinagbabawal ang pamamahagi o pagbebenta ng mga gun replicas at pellet toy guns.

Hindi sakop ng ordinansa ang paggamit ng airsoft guns, airguns at iba pa na ginagamit sa lawful activities.

Ang mga lalabag sa ordinansa: 1,000 pesos sa first offense; 2,000 pesos sa 2nd offense; at 3,000 pesos sa ikatlong paglabag at pagkakakulong ng hindi lalagpas isang buwan.

Facebook Comments