MMFF | Parade of Stars, pinaghahandaan na

Muntinlupa City – Pinili ang Muntinlupa City bilang host ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng 100th founding anniversary ng lungsod.

Makikipagtulugan ang lokal na pamahalaan sa MMDA sa gaganaping parada sa December 23.


Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, bahagi ng kanilang centennial celebration ang parada.

Abiso ng alkalde, ilang kalsada ang isasara dahil magsisimula ang parada Muntinlupa Sports Complex patungong Buendia Street at Centennial Avenue.

Dadaanan din nito ang National Road mula Barangay Tunasan hanggang Alabang.
Papasok ang parada sa Filinvest City sa pamamagitan ng Corporate Avenue-Bridgeway at magtatapos sa Filinvest Event Grounds.

Ang official entries ng MMFF ay:

‘Gandarrapiddo: The Revenger Squad’ (Star Cinema at Viva Films);
‘Ang Panday’ (Star Cinema, CCM Productions);
‘All of You’ (Quantum Films, MJM Productions);
‘Deadma Walking’ (T-Rex Productions);
‘Siargao’ (Ten17p);
‘Haunted Forest’ (Regal Films);
At ‘Ang Larawan’ (Culturtain).

Facebook Comments