BAWAL NA! | Paggamit ng mga plakang ‘8’, mahigpit nang ipagbabawal

Manila, Philippines – Mahigpit nang ipagbabawal ng Land Transportation Office (LTO) ang paggamit ng mga mambabatas sa kanilang mga plakang ‘8’.

Ayon kay LTO Law Enforcement Director Francis Almora – invalid na ang mga plaka dahil 2016 pa ito inilabas kasabay ng 16th Congress.

Paliwanag pa ni Almora – tapos na ang tenure ng 16th Congress at wala pang ini-isyung bagong ‘8’ car plate ngayong 17th Congress.


Kailangan aniyang isauli ng mga mambabatas sa secretary general ng Kongreso ang mga plaka para i-turn over sa LTO.

Matatandaang naging kontrobersyal ang plaka matapos masangkot ang isang kotse na may plakang ‘8’ sa isang road rage.

Facebook Comments