BAWAL NA PAGLIGO SA ILANG BAHAGI NG ANGALACAN RIVER, ISINUSULONG

Bawal maligo sa malalim na bahagi ng kailugan ng Angalacan; yan ang isinusulong ngayon ng Sangguniang Bayan Mangaldan na maipatupad bilang proteksyon para sa mga residenteng nais maligo dito.
Ito ay isinusulong sa pamamagitan ng isang ordinansa na inakda naman ni Councilor Aldrin Soriano at ito ay nakabase naman sa recommendation ng Municipal Disaster Risk and Reduction Office dahil umano sa bilang ng mga nalulunod sa naturang ilog.
Naglabas rin umano ang mga ito ng mga paalala na nakapaskil kapag papasok sa mga barangay kung saan nakasaad ang mga kondisyon at ilang pagbabawal sa paliligo roon.

Naglalayon ang ordinansang ipinapasa na magkaroon ng legal na basehan ang pagbabawal sa paliligo sa ilang bahagi ng nasabing ilog lalo na sa mga malalalim na bahagi at bahagi kung saan malakas ang agos ng tubig.
Maayos rin na sistema sa pagresponde at pakikiisa ng sampung barangay na nakapalibot sa ilog ang nais nilang manyari nang sa gayon ay mas malayo na sa aksidente sa ilog ang mga residente roon.
Sa ngayon ay patuloy itong isinusulong sa pamamagitan ng mga ilan pang pagpupulong o Committee Hearing. |ifmnews
Facebook Comments