ISANG TAPAT NA PEDICAB DRIVER NA NAGSAULI NG WALLET AT CELLPHONE SA KANYANG ISANG KABABAYAN, KILALANIN

Isa sa magandang kaugalian nating mga Pinoy ay pagiging tapat lalo na sa ating kapwa.
Isa si Mr. Rolando Casipit Jr na taga Barangay Guilig, sa bayan ng Mangaldan na nagsauli ng wallet at cellphone ng isang balikbayan na si Tito Cendana nito lamang March 17,2023.
Binigyang pansin din ng Lokal na Pamahalaan ng nasabing bayan si Mr. Rolando dahil sa kanyang katapatan. Nagpapasalamat sila sa kanyang public service.

Sabi naman ni Rolando, mas pinili niya pa ring ibalik ang nasabing mga gamit. Ginawa lang niya ang tamang desisyon dahil mas naniniwala siya na mas marami pa ang ipagkakaloob na blessings sa kanyang pamilya.
Binigyan din siya ng cash reward tulong narin sa kanyang anak na pabalik balik sa ospital para sa kanyang gamutan. Tunay nga ang kasabihan na kung ano man ang ginawa mong kabutihan sa iba ay ibabalik din sayo. |ifmnews
Facebook Comments