Hindi na papayag ang grupo ng katutubo sa Mindanao na magtayo pa ng Salugpungan Learning Centers sa mga area ng katutubo sa Mindanao.
Ito ay kasunod ng insidente ng umano ay pangingidnap ng grupo ni dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo sa mga menor de edad sa na mga anak ng mga katutubo sa Talaingod Davao del Norte.
Ayon kay Datu Joel Unad ang Chairman ng Mindanao Indigenous People Conference for Peace and Development bumuo sila ng isang resolution na nakapaloob ang kanilang mga kagustuhang pagbabago sa kanilang patakaran.
Gusto rin aniya nila mapahinto na ang operasyon ng 73 Salugpungan Learning Centers sa CARAGA region na nagagamit umano ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army o CPP-NPA.
Bukod aniya sa pagbabawal ng pagtatayo ng Salugpungan Schools sa area ng mga katutubo bawal na rin aniyang makapasok sa kanilang komunidad ang mga Non-Government Organization (NGO) at mga sundalo nang walang maayos na koordinasyon sa kanila.
Nagbigay naman isang taong ultimatum ang grupo ng katutubo sa Malacañang para mabigyan ng solusyon ang kanilang problema.
Banta ng grupo kapag hindi nagawan ng aksyon ng Duterte administrayson ang kanilang mga problema laban sa CPP-NPA ay magdedeklara sila ng tribal war sa pagitan ng CPP-NPA.