WAGI | Defending champion Golden State Warriors, tinambakan ang Minnesota Timberwolves sa NBA

Sports – Pinaulanan ng reigning NBA champion Golden State Warriors ng dalawamput-isang three-point shots ang Minnesota Timberwolves para sa 126-113 na panalo sa Oracle Arena.

Ito ang ika-anim na panalo ng Warriors sa huli nilang pitong laro.

Umiskor si Kevin Durant ng 28 points, 11 assists at 10 rebounds para sa isa na namang triple double performance para sa Warriors. May tig 25 points naman sina Stephen Curry at Klay Thompson.


Nanguna naman para sa T-Wolves si Karl Anthony Towns sa kaniyang 31 points at 11 rebounds. Hindi naman nakapaglaro si Jimmy Butler para sa Minnesota.

Facebook Comments