Manila, Philippines – Magiging labindalawang minuto na lamang ang biyahe mula Central Business District ng Taguig , Pasig City, Mandaluyong at Makati City kapag nakumpleto na sa 2020 ang Taguig BGC Ortigas link road project na gagastusan ng 1.6 billion pesos.
Ang Ortigas center link road project ay kapapalooban ng konstruksyon ng ng 4 lane na tulay na magdudugtong sa Lawton Avenue sa Makati City at Sta. Monica Bridge Street sa Pasig City.
Gayundin ng viaduct structure na magtatagos sa Lawton Avenue hanggang sa bungaran ng Bonifacio Global City.
Isinagawa kanina ang seremonya ng paglalagak ng kapsula ng plano na pinangunahan ni DPWH Sec. Mark Villar.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, 25 percent ang maibabawas sa volume ng sasakyan sa EDSA at C5 road na gumagamit ng Guadalupe at Bagong Ilog Bridge.
Aniya, ang ground breaking ay panimula ng mga nakalinyang proyekto na magbibigay daan sa Golden Age of Infrastructure ng Duterte administration.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558