Manila, Philippines – Ipatutupad ng pamunuan ng Manila Police District sa panahon ng kapistahan ng Sto.Nino sa Tondo Manila ang liquor ban o pagbabawal ng pagbebenta,pagbili at pag-iinom ng nakalalaseng na inumin sa pampublijong lugar sa Manila.
Ayon kay MPD District Director Chief Supt Joel Coronel bagamat walang gunban mahigpit nilang pinaalalahanan na sa bisperas ng pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Nino mula alas-sais ng gabi sa Enero 20 hanggang 21 hanggang alas-sais ng umaga ng kapistahan ng Sto. Nino ay ipatutupad na ang liquor ban sa mga pampublikong lugar .
Naniniwala si Coronel na sa pamamagitan ng ipatutupad nilang liquor ban sa Tondo Manila ay inaasahang mababawasan ang mga naitatalang reklamo ng karahasan.
Dagdag pa ng opisyal na magpapakalat sila ng mahigit 600 mga pulis sa bisperas at araw mismo ng kapistahan ng Sto. Nino upang magpatrolya sa Tondo Manila dahil inaasahan ng aabot sa 20 libo hanggang 30 libong sumasama sa prusisyon sa kapistahan ng Sto. Nino sa Tondo.