BAWAS PASAHE | LTOP nanawagan sa mga lider ng iba’t ibang transport group

Manila, Philippines – Umapela si LTOP National President Orlando Marquez sa lahat ng iba’t ibang lider ng transportasyon na dumalo sa isasagawang pagdinig ng LTFRB na ibalik sa 8 pesos ang pamasahe.

Ayon kay Marquez, mahalaga ang pagdalo ng mga iba’t ibang transport leader upang ilatag ang kanilang mga karaingan at pagtutol sa pagbabalik sa 8 pesos ang pamasahe dahil sa nagsipagtaasan umano ang mga spares parts ng mga sasakyan.

Paliwanag ni Marquez mahalaga rin ang pagdalo ng tatlong ahensiya ng gobyerno ang DTI, NEDA at DOE dahil sila ang direktang may kontrol sa pagtaas ng presyo ng spares parts ng mga sasakyan, gasolina at iba pa kaya kinakailangan umano ang kanilang presensiya.


Giit ni Marquez, walang kontrol ang gobyerno kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis dahil umano sa umiiral na oil deregulation law na dapat na umanong amyendahan.

Dismayado rin si Marquez sa kawalan ng ngipin ng DTI upang kontrolin ang pagtaas ng spares parts ng mga sasakyan dahil karamihan umanong mga negosyante ay kamag-anak ng mga opisyal ng DTI kaya hindi nila pinakikialaman umano ang pagtaas ng spares parts ng mga pampublikong sasakyan.

Facebook Comments