Cauayan City, Isabela- Nagpapasalamat ang pamunuan ng Philippine Coalition Consumer Welfare Incorporated (PCCWI) ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos sa pagbawas sa presyo ng pangunahing gamot sa mga botika.
Ito ay batay sa Executive Order no. 104 o *‘Improving Access to Healthcare through the Regulation of Prices in the Retail of Drugs and Medicines’*
Ayon kay Ginoong Ricardo Smaniego, Founder at Chairman ng PCCWI, tiyak na laking ginhawa sa publiko lalo na sa mga senior citizen ang malaking bawas sa presyo ng mga gamot.
Aniya, pumalo sa 50 hanggang 60 percent ang ibinabang presyo ng gamot sa kabila ng paglagda ng punong ehekutibo sa EO 104.
Giit niya na ang ilang mataas na presyo ng gamot gaya ng ‘amplodipine’ o sakit sa highblood na dating P47 ay posibleng mabili na sa P16.79 at para sa sitwasyon ng mga senior citizen na makakakuha pa ng discount na 12 percent.
Gayundin, ang anti-cancer vials na nagkakahalaga ng P80,686.97 ay mabibili nalang sa halagang P57,061.55 (add less 12% VAT).
Pinaalalahanan naman ni Samaniego ang publiko na ipaabot sa kanyang kaalaman sa pamamagitan ng facebook page na ‘Philippine Coalition of Consumer Welfare Inc. para sa mga reklamo ukol sa mga drugstores na nagtataas ng presyo ng gamot.