Bawas-presyo ng produktong petrolyo, sasalubong sa unang linggo ng Agosto

57

Good news sa mga motorista!


Sasalubong sa unang linggo ng Agosto ang bawas-presyo ng mga produktong petrolyo.

Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 ang rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.

Habang nasa P0.15 hanggang P0.20 kada litro ang bawas sa presyo ng kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE), posibleng sa susunod na linggo na rin ipatupad ng mas maraming gasolihan ang P1.50 na bawas presyo sa mga diesel at gasolina kapag naubos na ang lumang stock ng petrolyo na napatawan ng mas mahal na taripa noong Mayo at Hunyo.

Facebook Comments