Bawas presyo sa petrolyo, ipatutupad bukas

OILPRICE ROLL BACK / JANUARY 17, 2017 A gasoline attendant prepares to fill up a motorist at a gasoline station in Quezon City on Tuesday, January 17, 2017 as a new round of oil price rollback takes effect today. The price adjustments are: Gasoline=P0.20/L and P0.30/L; Diesel=P0.35/L; Kerosene=P0.40/L INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTERANDE

Nag-anunsyo na ng kanilang bawas-presyo ang ilang kumpanya ng langis.

 

Nasa P0.35 kada litro na rollback sa gasolina at P0.45 sa diesel ang ipatutupad ng Eastern Petroleum, Caltex, PTT Philippines, Petro Gazz at Shell.

 

Magpapatupad din ng P0.60 na bawas-presyo sa kada litro ng kerosene ang Caltex at Shell.


 

Epektibo ang oil price adjustment alas sais ng umaga bukas maliban sa Caltex na magpapatupad alas 12:01 ng hatinggabi.

 

Kahapon, nauna nang nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum at kanina naman ang Seaoil.

Facebook Comments