Bawas presyo sa produktong petrolyo, malabnaw pa sa ngayon – DOE

Posible pero malabo pa sa ngayon ang bawas presyo sa produtong petrolyo.

Sinabi ito ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad kasunod ng sunod-sunod na linggong oil price hike.

Ayon kay Abad, bunsod ito ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at ang mga parusa na ipinataw ng mga malalaking bansa laban sa Russia.


Ngunit sinabi rin nito na posibleng bumaba ang demand sa krudo dahil sa epekto ng pagtigil ng ilang bansa sa pakikipagtransaksyon sa Russia na magreresulta ng paghina sa pandaigdigang ekeonomiya.

Sa ngayon, patuloy pa rin nilang mino-monitor ang naturang posibilidad ng pagbaba ng demand nito upang mabalanse ang law of supply and demand na magreresulta sa oil price rollback.

Mababatid na inanunsyo na tataas muli ang presyo ng produktong petrolyo sa ika-sampung linggo kung saan P5.40 to P5.50 kada litro ang itataas sa Diesel habang P3.40 to P3.50 kada litro ang itataas ng Gasoline.

Facebook Comments