BAWAS TRAPIKO | Bagong traffic scheme, ipapatupad na bukas sa Commonwealth Avenue at Elliptical Road sa Quezon City

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na tuluyan ng sisimulan bukas ang bagong Traffic Scheme sa Commonwealth Avenue at Elliptical Road matapos na magsagawa ng dry run noong Sabado at kanina sa nabanggit na lugar.

Ipinaliwanag ng MMDA na ilalim ng bagong traffic scheme, lahat ng Public Utility Jeepney (PUJ) at UV Express patungong Fairview ay binawalan ng pumasok ng Philcoa sa halip ay padadaanin ang mga sasakyan sa Maharlika Street at Masaya Street patungo ng Commonwealth Avenue upang mabawasan ang matinding trapiko..

Pinagbabawalan na rin nang magbaba at magsakay ng mga pasahero sa harap ng NHA, Maharlika Street at sa harap TUCP.


Nagtalaga na rin sila ng Loading at Unloading Area sa bungad ng papasok patungong UP upang maiwasan na dumami ang volume ng mga sasakyan na galing ng Masaya Street.

Layunin nito na mabawasan ang Traffic sa Philcoa sa kahabaan ng Commonwealth dahil na rin sa paghuhukay para sa gagawing tunnel na bahagi ng konstruksyon ng Metro Rail Transit-7.

Inaasahan ng MMDA na magiging maayos na bukas ang pagpapatupad ng bagong traffic scheme sa Commonwealth Avenue at Elliptical Road sa Lungsod ng Quezon.

Facebook Comments