BAWAS TRAPIKO | Lagay ng trapiko sa bansa, magkakaroon ng ‘drastic improvement’ sa 2020 ayon sa DPWH

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magkakaroon ng ‘drastic improvement’ sa kalagayan ng trapiko sa bansa kapag nakumpleto na ang mga proyektong imprastraktura sa 2020.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, mararamdaman ng publiko ang unti-unting pag-ayos ng trapiko dahil naka-‘full gear’ na ang mga programa sa ilalim ng build, build, build program.

Dagdag pa ng kalihim, sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tiyak na may improvemnent sa traffic situation hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa lahat ng mga urban centers.


Nakapaloob sa nabanggit na programa ang ilang proyekto tulad ng Metro Manila Skyway stage 3 at NLEX-SLEX connector.

Kasama rin dito ang South East Metro Manila Expressway C-6 Phase 1, Cavite-Laguna Expressway at Tarlac-Cabanatuan, Nueva Ecija Expressway.

Nakapaggawa rin ang DPWH ng 100,000 trabaho.

Facebook Comments