BAWAS TRAPIKO | Mabuhay lanes, dapat gamiting alternatibong ruta – MMDA

Manila, Philippines – Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta ngayong holiday season.

Ayon sa MMDA, tumataas ng 20 porsyento ang bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan tuwing panahon ng Kapaskuhan.

Kaya makakatulong sa mga motorista ang paggamit sa mga alternatibong ruta para mapaluwag ang EDSA at iba pang pangunahing kalsada.


Giit ng MMDA, tuloy-tuloy ang isinasagawa nilang clearing operation sa mabuhay lane para matiyak ang maginhawang byahe ng mga motorista.

Maaari namang makita ang iba pang alternatibong ruta sa website ng MMDA na www. mmda.gov.ph.

Facebook Comments