KLINARO | Sec. Piñol, nagpaliwanag kung bakit hindi siya nakadalo sa bagyong Rosita briefing

Manila, Philippines – Nagpaliwanag si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa hindi niya pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumunta sa briefing para sa bagyong ‘Rosita’ sa Isabela.

Sa kanyang facebook post, ipinaliwanag ni Piñol na kaya hindi siya nakadalo ay dahil sa tradisyon ng kanilang pamilya sa paggunita ng All Souls’ Day.

Ayon kay Piñol, ipinaalam nila sa Office of the President na si Department of Agriculture Director Narciso Edillo ang magrerepresenta sa kanya.


Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Piñol dahil sa hindi nito pagdalo sa briefing.

Tiniyak naman ng kalihim na pupunta siya sa Isabela para makapagbigay ng tulong sa mga poultry raiser na naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments