Target ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maalis simula sa Enero ng susunod na taon ang lahat ng provincial bus terminal sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Jose Arturo Garcia Jr. – may direktiba na si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga ilipat ang mga provincial bus terminals.
Dagdag pa ni Garcia – ipinag-utos na rin ng Pangulo na tanggalin ang lahat ng obstructions sa Edsa para mapagaan na ang daloy ng trapiko.
Nakipag-coordinate na ang MMDA sa Department of Transportation (DOTr) at iba pang stakeholders ng transportation sector.
Sinisilip na rin ng MMDA na maglagay ng integrated terminals sa Valenzuela City at Santa Rosa, Laguna para maserbisyuhan ang mga pasaherong mula hilaga at katimugan ng Metro Manila.
Kasabay nito, pinuri rin ng MMDA ang DOTr para sa pagbubukas ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa ngayon, mayroong 46 na bus terminals sa EDSA.