Manila, Philippines – Ipapatupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang one-truck lane policy sa Circumferential-2 Road.
Ayon kay Jojo Garcia, MMDA General Manager layon nitong mabawasan ang traffic at bumaba ang truck-related accident sa nabanggit na lugar.
Sinabi ni Garcia ang mga truck ay papayagan lamang dumaan sa isang linya mula Andalucia hanggang Nagtahan Road at pabalik.
Sa datos ng Metro Manila Accident Recording and Analysis System (MMARAS) noong 2017 nakapagtala ng at least 155 damage to property incidents at eight injuries sa C2 Road.
Sa nasabing polisiya ng MMDA ang mga cargo trucks na mayroong gross weight nang hindi hihigit sa 4,500 kilos ay papayagang dumaan sa 3rd lane mula sa sidewalk ng C2 Road maliban sa Nagtahan na dapat ay sa 2nd lane.
Ang nabanggit na truck lane policy ay una nang ipinatupad at kasalukuyan pa ring ipinatutupad sa C5 Road, Katipunan Avenue, Congressional Road, Mindanao Avenue at Roxas Boulevard.