FIFA | Nigeria, Switzerland wagi sa World Cup

Russia – Umiskor ng dalawang goal si Ahmed Musa para bitbitin ang Nigeria sa 2-0 panalo kontra Iceland para manatiling buhay ang pag-asa nitong umabante sa knockout stage ng 2018 World Cup sa Russia.

Naisalpak ni Musa ang kaning brace sa 49th at 75th minutes para sa unang panalo ng Super Eagles sa torneo.

Dahil sa panalo ng Nigeria buhay din ang pag-asa ng Argentina na umabante rin sa group stage.


Kailangan lamang talunin ng Argentina ang Nigeria sa huling laban nila sa group D.

Samantala, nakagoal si Xherdan Shaqiri sa 90th minute para maitakas ng Switzerland ang 2-1 na panalo kontra Serbia.

Unang lumamang ang Serbia sa 5th minute strike ni Aleksandar Mitrovic bago ito naitabla ni Grant Xhaka sa 52nd minute.

Facebook Comments