BAWAS TRAPIKO | Planong itatayong tulay sa Binondo-Intramuros masusing pinag-aaralan – DPWH

Inihayag ni DPWH Project Director Virgilio Castillo na ang proyekto na tulay ng Binondo-Intramuros ay bahagi ng pag-aaral para mabawasan ang matinding trapiko dahil ang gumagamit ng tulay ay umaabot na sa 834 na mga sasakyan araw-araw.

Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila sinabi ni Castillo na matagal na nilang pinag-aaralan ang naturang proyekto upang maibsan ang tumitinding nararanasang trapiko sa Manila.

Matatandaan na pinuna ng ilang mga kritiko ay naturang proyekto dahil masyado nang masikip ang kalsada at marami ng mga istraktura ang Binondo-Intramuros.


Umaasa si Castillo na mauunawaan ng publiko ang kanilang proyekto dahil masusi naman pinag-aaralan ng kanilang Technical Working Group.

Facebook Comments