ROAD ALERT | Road obstructions sa Brgy Sto. Cristo QC, nilinis ng MMDA

Matapos ang clearing operation ng MMDA sa Barangay Sto. Cristo Quezon City na isinagawa kaninang alas sais ng umaga, muling nagsibalikan at ginamit na namang paradahan ng mga pribadong sasakyan ang Ilocos Sur Street.

Nagmistula na rin itong terminal ng mga tricycle.

Maging ang tapat ng Sto. Cristo Elementary School, hindi nakaligtas sa road obstructions.


Ang Ilocos Sur Street ay ginagamit na alternatibong ruta ng mga motoristang papunta ng Mindanao Avenue, Congressional Avenue at EDSA North Avenue.

Facebook Comments