Kinumpirma ng PAGASA na nagpakawala na ng tubig ang Magat Dam sa Isabela Province.
Ayon kay PAGASA Hydrologist Sonia Serrano, alas dos Huwebes ng hapon ng magbukas ng isang gate ang Magat Dam.
Zero point 5 meters aniya ang bukas na gate ng Magat na nagpapakawala ng tubig na 92 cubic meter per second.
Aniya, kinakailangan ng magpakawala ng tubig ng dam dahil sa inaasahang ulang dulot ng bagyong Ompong.
Sa taya ng PAGASA, alas 3 Huwebes ng hapon nasa 188.99 meter ang lebel ng tubig sa Magat Dam at may spilling level na 190 meters.
Nilinaw naman ni Serrano na hindi magiging dahilan nito ang pag-apaw ng Magat River at walang magiging epekto sa mga lugar na nakakasakop sa ilog kabilang ang Ramon, San Mateo, Cabatuan, Aurora, Luna, Burgos, Reya Mercedes Naguilian at Gamu.