Manila, Philippines – Plano ng Department of Energy (DOE) na humingi ng diskwento sa mga kumpanya ng langis.
Kasunod na rin nito ng pag-aray ng mga tsuper at konsumer sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Energy Assistant Director Rodela Romero, pinakiusapan na nila ang oil industry sa pagpapatupad ng second batch ng price discount para sa Public Utility Vehicles (PUVs).
Hiniling din nila sa oil companies na dagdagan pa ang bilang ng mga gasolinahan na mag-aalok ng diskwento.
Nitong Marso, ang mga kumpanyang, Petron, Pilipinas Shell at Phoenix Petroleum ay handang makipagtulungan sa DOE sa price discount program sa transport sector.
Facebook Comments