UMAASA | 46% ng mga Pinoy, kumpiyansang gaganda ang kanilang buhay ngayong taon

Manila, Philippines – Umaasa ang ilang Pilipino na gaganda ang kanilang buhay ngayong taon.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (sws), 46% ng mga Pinoy ang kumpiyansang aayos ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

Anim na porsyento naman ang nagsasabing mas lalala lang ang kanilang buhay.


Katumbas nito ang +40 net personal optimism score o ‘excellent’ rating.

Nabatid noong December 2017 survey, nasa +46 ang score.

Isinagawa ang survey mula March 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments