Bawat evacuation center, dapat magkaroon ng mga safety health officer

Iginiit ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan na magkaroon ng safety health officer ang bawat evacuation center.

Tugon ito ni Go sa babala ng Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon kasi ng COVID-19 sa mga evacuation centers kung saan namamalagi ngayon ang mga biktima ng kalamidad.

Sinabi ni Go na kinausap na niya si Health Secretary Francisco Duque para magtalaga ng mga health officers sa mga evacuation centers at para mas ayusin ang mga patakaran laban sa pagkalat ng virus.


Ayon kay Go, dapat maayos din ang koordinasyon ng DOH at mga Local Government Units (LGUs) para matiyak na maiiwasan ang  pagdidikit-dikit  ng mga evacuees tulad ng  naobserbahan niya sa kanyang pagdalaw sa Marikina city at Bicol Region.

Kaugnay nito ay nanawagan si Go ng kooperasyon sa mga mamamayan partikular sa mga nasa evacuation center na sumunod pa rin sa mga health protocols para na rin sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments