Bawat hakbang kaugnay sa Coco Levy Fund, dapat ikonsulta sa mga magniniyog

Masaya si Senator Risa Hontiveros na umuusad ang mga hakbang patungo sa paggamit ng coco levy para sa coconut industry.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na nag-apruba sa Coconut Farmers and Industry Development Plan na i-release ang P75 billion na bahagi ng trust fund mula sa coco levy assets.

Pero giit ni Hontiveros, ang bawat hakbang kaugnay sa coco levy fund ay dapat i-konsulta sa mga maliliit na magsasaka ng niyog.


Magugunitang isinulong ni Hontiveros na maging kabilang ang coconut farmers sa trust fund committee pero hindi ito naisakatuparan.

Kaya naman sa papasok na 19th Congress, sisikapin muli ni Hontiveros na matupad ang nabanggit na panukala para sa kapakanan ng mga magniniyog.

Facebook Comments