Bawat Pamilya sa Cauayan City, Hinihikayat na Mag-register sa RAMS!

Cauayan City, Isabela- Hinihikayat ang bawat pamilya sa Lungsod ng Cauayan na magrehistro sa bagong Relief Assistance Monitoring System (RAMS) ng Lungsod.

Kinakailangan lamang na sagutan at punan ng tamang impormasyon ang Relief Assistance Monitoring System sa pamamagitan ng link na pms.cauayancity.com.

Kung nakapagrehistro na sa naturang system ay maaari nang ireport kung ilang beses nang nakatanggap ng relief goods mula sa barangay o kung Hindi pa at kung ano pang tulong ang natanggap mula sa national government.


Ang RAMS ay isang online registration system na makakatulong sa lokal na gobyerno upang alamin ang bilang at estado ng bawat pamilya sa lungsod, nang sa gayon ay maging batayan sa pagpaplano, pagtatalaga at pagpapatupad ng iba pang relief assistance programs upang matulungan ang bawat pamilyang apektado ng krisis dulot ng Covid-19.

Narito ang mga dapat tandaan sa pagrerehistro:
1. Ito po ay para lamang po sa mga residente ng Lungsod ng Cauayan, botante man o hindi.
2. Ang registration po ay kada pamilya. Ibig sabihin, kung mayroong dalawa o higit pang pamilya na nakatira sa iisang bahay, ang bawat pamilya sa bahay na iyon ay kinakailangang magregister.
3. Isang pamilya, isang account. Mag-assign ng representative sa inyong pamilya na siyang magfifill up ng mga kinakailangang impormasyon.

4. Siguraduhing tama ang bawat impormasyon na ireregister.
5. Isang beses lang maaaring magregister dito.

Facebook Comments