Bawat Pilipino, mayroong 112,000 pisong utang ayon sa IBON Foundation

Aabot sa higit 112,000 pesos ang utang ng bawat Pilipino.

Ito ang sinabi ng IBON Foundation kung paghahatian ng higit 110 milyong Pilipino ang kasalukuyang 12.5 trillion pesos na utang ng gobyerno.

Lumalabas sa datos ng IBON na nasa 112,678 pesos ang utang ng bawat Pilipino habang nasa 473,543 pesos ang utang ng bawat pamilyang Pilipiong kung hahatiin ito sa 26.3 milyong pamilya sa bansa.


Ayon kay IBON executive director Sonny Africa, nagkaroon tuloy ng pasanin ang mga mahihirap dahil sa tila paurong na tax system sa bansa.

Tinukoy ni Africa ang TRAIN at CREATE law kung saan inililipat umano ang pasanin sa buwis ng mga malalaking korporasyon papunta sa mga middle at poor class.

Tinatayang aabot na sa 12.49 trillion pesos ang utang ng bansa kung saan 8.66 trillion pesos dito ay local debt habang 3.83 trillion pesos dito ay mula sa foreign debt.

Facebook Comments