BAWI | Presyo ng sardinas, tataas sa 2018

Manila, Philippines – Asahan na ang pagtaas ng presyo ng sardinas mula sa susunod na taon matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reporma sa buwis.

Ayon kay Buboy Valerio, Executive Director ng Industrial Group of Zamboanga, tataas kasi ang operational cost ng mga fishing at canning company kapag sinimulan ang pagpataw ng excise tax sa produktong petrolyo.
Aniya, walang ibang paraan para makabawi sa kanilang gastos sa operasyon kundi itaas ang presyo ng sardinas.

Sinabi naman ni Roberto Baylosis, Executive Vice President ng Southern Philippines Deep Sea Fishing Association (SOPHIL), hindi pa nila matiyak kung magkano ang itataas ng presyo ng sardinas.


Gayunman, tiniyak ng mga canning at fishing company na hindi sila magtatanggal ng mga manggagawa kahit pa tumaas ang kanilang operational expenses.

Facebook Comments