Manila, Philippines – Makakatanggap ang higit 11,000 human rights victims noong Martial Law (mula 1972 hanggang 1981) ng indemnification o bayad-pinsala.
Ayon kay Human Rights victims claims board Chairperson Lina Sarmiento, ang nasa 11,103 victims ay 14% lamang mula sa kabuhuang bilang na 75,749 claims.
Ani Sarmiento, bigong makapagsumite ang mga ibang claimants ng ‘substantial evidence’ na itinakda ng board.
Ang mga kwalipikadong claimants ay makakatanggap ng kompensasyon mula sa sikretong Swiss Bank deposits ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nagkakahalaga ng 10 bilyong piso.
Ang halaga ng bayad-pinsala ay ibabase sa bigat ng abusong naranasan ng biktima.
1.76 million pesos naman ang ibibigay sa mga pamilya ng mga pinatay at sa mga ‘desaparecidos’ o mga nawala.