BAYAD-UTANG | Yaman ni VP Leni Robredo, nabawasan base sa kanyang SALN

Manila, Philippines – Nabawasan ang yaman ni Vice President Leni Robredo batay sa kanyang inihaing Statement of Assets, Liabilities And Networth (SALN) noong 2017.

Mula sa P8.878 milyon ang networth ni Robredo noong 2016, bumama ito sa P1.114 milyon noong Disyembre 2017.

Paliwanag ni Robredo, ginamit ang pera bilang pambayad sa ipinataw ng Presidential Electoral Tribunal (PET) kaugnay sa electoral protest na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos.


Nakasaad rin sa liabilities ni Robredo na mula P6.9 milyon noong 2016 ay tumaas ito sa P11.9 milyong utang noong 2017.

Bumara rin sa P13.014 milyon ang kabuuang assets o ari-arian ng bise presidente mula sa higit P15. Milyon

Idineklara rin ni Robredo na mayroon siyang pagkakautang kay Pablito Chua na P1 million at P2 million kina Vicente Hao Chin Jr. at Rafael Bundoc na pawang mga kaanak ng kanyang namatay na asawa na si dating Interior Secretary Jesse Robredo.

Facebook Comments