BAYAMBANG, OVER ALL CHAMPION SA 2026 SDO I PANGASINAN ATHLETIC ASSOCIATION MEET

Matagumpay na nagtapos ang 2026 SDO I Pangasinan Athletic Association Meet, tampok ang husay, disiplina, at pagkakaisa ng 22 bayan na lumahok sa taunang paligsahan ng mga atletang mag-aaral.

Batay sa bilang ng gintong medalya na opisyal na batayan ng overall ranking, tinanghal na Overall Champion ang Bayan ng Bayambang matapos makakuha ng 64 gold medals.

Sinundan ito ng Lingayen sa ikalawang puwesto na may 52 gold, at Mapandan sa ikatlong pwesto na may 37 gold.

Bukod sa overall standings, kinilala rin ang mga bayang nanguna sa kani-kanilang sports events.

Samantala, sa kabuuang bilang ng medalya na nakuha, nanguna ang Lingayen na may 154 total medals, sinundan ng Bayambang na may 127 na medalya at Malasiqui na may 93 na medalya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments