Bayambang Pangasinan nasungkit ang Guiness Record na Tallest and Highest Bamboo Structure

Nasungkit ng bayan ng Bayambang ang Guiness World Record na tallest and highest Bamboo structure ni St. Vincent Ferrer sa barangay Bani kagabi sa pagdiriwang ng ika – 400 na pagkakatayo ng St. Vincent Ferrer Parish at ika-405 na taong kapiyestahan ng Bayambang.

Ayon kay Swapnil Dangarikar,Official Adjudicator ng Guiness World Records 50. 23 ang taas ng istruktura ngunit hindi lamang taas ang pamantayan nila upang maianunsyo ang pagkakasungkit ng bayan sa nasabing record.

Gawa sa kawayan at steel frame ang istruktura kaya naman hindi ito madaling mapatumba ng malakas na hangin. Inabot ng sampung buwan upang maipatayo ang istruktura at isa na rin sa mga maaring puntahan ng mga tao sa darating na Holy Week.


Taong 2014 nasungkit ng Bayambang ang longest barbecue grill sa Guiness Book of World Records.
*Contributed by
Erwin Cayabyab
Photo Cotributed by
Rosalie Benitez [image: 56649245_243152033171895_540347232759578624_n.jpg]

Facebook Comments