Tuluyan nang sinampahan ng kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa mga artist ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).
Ito ay nag-ugat sa paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act at Clean Air Act matapos sunugin ang effigy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ginanap na ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong July 24, 2023.
Kinumpirma ni Renato Reyes, Secretary General ng BAYAN na nakatanggap ng subpoena ang kanilang resident artist at tatlong iba pa dahil umano sa mga paglabag sa ecological waste act at clean air act.
Iginiit ni Reyes na lalabanan nila ang isinampang reklamo na malinaw aniya na pag-atake sa freedom of expression.
Nauna nang sinabi ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III, na tutuluyan nilang sampahan ng reklamo ang mga nagsunog ng effigy para hindi na ito maulit pa sa mga susunod na SONA.