BuCor, nilinaw na suspended pa rin ang mga opisyal nilang dawit sa pagtakas ng convicted carnapper na PDL

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na nananatiling suspendido ang BuCor officials na sangkot sa pagtakas ni convicted carnapper Michael Catarroja.

Ayon sa BuCor, mananatili ang suspension hangga’t hindi naki-clear ang mga ito ng kanilang Board of Inquiry.

Una nang inihayag ng Senado sa kanilang pagdinig na hindi sila naniniwala na walang nasa likod ng pagtakas ni Catarroja.


Ito ay lalo na’t inamin ni Catarroja sa pagdinig na may mga kasabay siyang tumakas.

Yung iba aniya ay nakabalik na ng kulungan habang ang iba ay napatay.

Sinasabing 15 opisyal ng BuCor ang sangkot sa pagtakas ng NBP inmates.

Facebook Comments