Bayan Muna, kinondena ang pagtanggi ng Meralco na baguhin ang patakaran sa power supply bidding

Manila, Philippines – Kinondena ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang pagtanggi ng Meralco na baguhin ang ‘bidding terms’ at gawing malaya ang pamamaraan na hindi sobra-sobra ang pagpabor sa Atimonan I na pag-aari nito.

Sinisi ni Colmenares ang Department of Energy (DOE) sa pag-amyenda nito ng kanilang patakaran.

Dahilan upang mauwi ito sa isang katayuang tagapagmasid lamang at pabayaan ang Meralco na kontrolin ang kabuuang ‘bidding procedure.’


Una nang naghain ng petisyon si Colmenares kasama si Representative Carlos Zarate na humihiling ng isang independent third party at hindi ang Meralco, ang siyang mangangasiwa sa ‘bidding procedure.’

Binigyang diin ni Colmenares na kahina-hinala na ang Meralco owned Atimonan I ang natatanging nakakuha ng ‘commercial operations’ sa March 2024.

Gayong  ang ibang  bidders na sumali na ‘ready and capable’ sa  pagbibigay ng elektrisidad bago ang taong 2024 ay diskwalipikado.

Kasabay nito ay hinimok ng Bayan Muna ang DOE at ERC na huwag payagan ang ‘bidding’ maliban kung ang mga ‘terms’ ay maitataguyod  sa ‘equal participation’ ng lahat ng suppliers na may kakayahang makapagbigay ng elektrisidad sa mababang halaga.

Facebook Comments