*Cauayan City, Isabela*- Naipamahagi na nang Lokal na Pamahalaan ng Alicia ang tulong pinansyal sa 34 na barangay at mahigit sa 13,000 na kwalipikadong benepisyaryo na tumanggap mula sa Social Amelioration Program ng gobyerno bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay Mayor Joel Alejandro, naipamigay na ang pondo na mahigit sa 70 milyong piso simula pa noong nakaraang linggo matapos matanggap mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Giit pa ng alkalde na kauna-unahan sa lambak ng cagayan ang bayan ng alicia na tumanggap ng pondo at agad ding naipamahagi sa mga higit na nangangailangan.
Hinihikayat naman ng alkalde na makipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan upang mabigyan ang iba pang higit na nangangailangan sa kabila ng hindi lahat ng pamilya ay naayudahan ng gobyerno.
Photo Courtesy: DSWD Region 2