Bayan ng Angadanan at Cabagan, Ikinategorya sa ‘Local Transmission’

Cauayan City, Isabela- Nakategorya sa ‘local transmission’ ang bayan ng Angadanan at Cabagan sa Isabela dahil sa dumaraming bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.

Batay sa datos ng RHU Angadanan, mayroong 32 active cases ang bayan habang March 9 naman ang ‘expected date of containment’ kung hindi magtutuloy-tuloy ang hawaan sa lugar.


Habang sa bayan naman ng Cabagan ay naitala ang 18 cases linked at sa March 6 inaasahan ang ‘containment’ kung hindi rin dadami ang kaso ng mga nagpopositibo sa virus.

Sa Isabela, kabilang ang mga bayan ng Tumauini, Luna, Naguilian, Reina Mercedes, at Ramon sa mga active na nakategorya sa Local Transmission.

Samantala, pumalo na sa kabuuang 7, 786 ang tinamaan ng virus sa Cagayan Valley habang 693 ang nananatiling aktibo.

Facebook Comments