Aurora, Isabela – Nakatakda na sa taong 2019 na maging drug free ang bayan ng Aurora, Isabela matapos na makapagsumite ito ng kaukulang dokumento sa PDEA.
Sa naging pahayag ni Police Inspector Andy Delos Santos, Officer-In-Charge ng PNP Aurora na sampung barangay na umano ang naideklarang drug free at labing isang barangay sa nasabing bayan ang drug cleared.
Nakapagtapos narin aniya ng Community Based and Rehabilitation Program (CBRP) ang 222 na tokhang responders sa bayan ng Aurora na patuloy ang monitoring ng PNP sa mga ito at wala umanong bumabalik sa paggamit o pagtutulak ng droga.
Sinabi pa ni Police Inspector Delos Santos na nagkaroon umano ng magandang pagtugon ang lahat ng tokhang responders sa kaniyang nasasakupan kaya’t naging maganda rin ang resulta ng kampaya sa pagsugpo ng iligal na droga.