Cauayan City, Isabela- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19 death ang bayan ng Baggao sa probinsya ng Cagayan.
Base sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ng Provincial Health Office ng Cagayan, ang nasawi ay si CV 7973, isang senior citizen na residente ng bayan ng Baggao.
Nabatid na walang history of travel at di mabatid ang kanyang history of exposure.
Ang nasawi ay may naramdamang sintomas gaya ng ubo at hirap sa paghinga.
Mayroon din siyang iba pang sakit gaya ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease, Heart Disease.
Si CV7973 ay sumailalim sa swab test kung saan siya ay positibo sa SARs COV2.
Dagdag dito, napag alamang ang talagang sanhi ng kanyang pagkamatay ay Acute Respiratory Failure, Critical, Chronic Obstructive Pulmonary Disease, Upper Gastrointestinal Bleeding, Anemia, Hypokalemia na pinalala ng Covid-19 Pneumonia.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 40 ang COVID-19 deaths sa Cagayan kung saan 17 na ang nasawi sa Tuguegarao City, tig-tatlo (3) sa Alcala, Tuao at Gattaran, apat (4) sa Solana, dalawa (2) sa Amulung, tig -isa (1) sa Aparri, Ballesteros, Baggao, Sta. Ana, Lasam, Iguig, at Enrile.