Bayan ng Baggao sa Cagayan, Isasailalim sa 14-days ECQ

Cauayan City, Isabela- Isasailalim sa 14-days Enhanced Community Quarantine ang Baggao, Cagayan dahil sa patuloy na pagdami ng mga naitalang positibong kaso ng COVID-19.

Ito ay matapos aprubahan ng Regional Inter-agency Task Force (RIATF) ang kahilingan ng Municipal Task Force na pagsasailalim sa mabigat na quarantine status ng bayan.

Bukas, August 24, 2021 ng hatinggabi nakatakdang simulan ang pagsasailalim dito hanggang September 6 ng parehong oras.


Sa pinakahuling datos, mayroong 288 active cases ang Baggao na kung saan nakapagtala ng 58 death case habang 1,374 na ang mga nakarekober sa sakit.

Pangalawa sa listahan ng may pinakamataas na bilang ng mga positibong kaso ng virus ang bayan ng Baggao sa buong lalawigan ng Cagayan.

Facebook Comments