EUA ng single dose ng Sputnik Light, inaprubahan na ng FDA

Inaprubahan na Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng bakunang Sputnik Light na gawa ng Russia.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., noong Biyernes naaprubahan ang EUA para sa single dose na Sputnik Light at nagpakita ng efficacy na 93.5% nang gamitin sa Paraguay.

Aniya, nasa 10 milyong Pilipino ang nakatakdang maturukan ng Sputnik Light.


Nabatid na ang Sputnik Light ay rin ng kompanyang Gamaleya Institute na iba pa sa Sputnik V.

Facebook Comments