Cauayan City, Isabela-Nakategorya sa ‘local transmission’ ang bayan ng Baggao, Cagayan makaraang ang biglaang paglobo ng bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.
Ayon sa ahensya, nakapagtala ng 59 cases linked ang ang mayroon ang bayan habang Pebrero 12 pa ang inaasahang petsa para sa containment sa lugar kung magtutuloy-tuloy ang hindi na pagdami ng mga kaso.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, kabilang pa rin sa ‘active status’ ng local transmission ang mga bayan ng Luna, San Mariano, Tumauini sa Isabela; Solana at Baggao sa Cagayan.
Gayunman, ipapatupad ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa dalawang barangay: Tallang at Dalla.
Sasailalim naman sa Zonal Containment Strategy (ZCS) ang mga barangay ng Remus, Santor, Agaman Proper, at San Jose.
Sa ngayon, nasa 61 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng Baggao.
Samantala, pumalo na sa kabuuang 6,034 ang tinamaan ng virus sa Cagayan valley habang 755 ang nananatiling aktibo.