Bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya, Nananatiling COVID Free dahil sa “Tsimis Brigade”

Nananatiling COVID free ang bayan ng Bambang sa Nueva Vizcaya sa kabila ng kakulangan sa community doctors ngayon may pandemya.

Sa interview ng RMN Manila kay Bambang Nueva Vizcaya Municipal Health Officer Dr. Anthony Cortez, ang kooperasyon ng mga opisyal at mamamayan ng Bambang ang naging susi kaya nananatiling walang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Malaki rin aniya ang naitulong ng kanilang “Tsimis Brigade” na mistulang mga naging contact tracer na nagre-report sa kanila ng mga dumarating na Overseas Filipino Workers sa kanilang lugar.


Si Dr. Anthony Cortez ang nag-iisang community doctor na nagsisilbi sa bayan ng Bambang sa Nueva Vizcaya.

Facebook Comments